Pusong may piklat ng kahapon
Unti-unting naghilum at bumangon
Sa iyong pagdating dala'y bagong pag-asa
Upang magmahal muli at tumaya.
***
Nagkakilala ng hindi inaasahan
Hanggang sa lumalim ang ating samahan
Pagmamahalan ay nagsimulang namumukadkad
Kasabay na nangarap at nais matupad.
***
Araw-araw pakiramdam ay sobrang saya
Makachat at makita ka ay sapat na
Hindi pa man sa isa't isa umaamin
Dama naman na tayo ay may pagtingin.
***
Ngunit, isang araw nagbago ka bigla
Ang daming tanong, sagot ay puro lang haka-haka
Yung datung init ngayon napalitan ng lamig
O sadyang ika'y naglalaro lang sa tinatawag nilang pag-ibig.
***
Ningas-kugon, sa una lang masigasig at magaling
Subalit, sa huli di na kayang panindigan at tuparin
Mapahanggang ngayon walang mahanap na kasagutan
Sa iyong paglisan, puso ko'y masyadong nasaktan.